Kaugnay ng pahayag ng Principal Deputy Spokesperson ng State Department ng Amerika na labis ang reaksyon ng Tsina sa kalagayan ng Taiwan Strait at isinagawa ng Tsina ang probakasyon sa isyung ito, ipinahayag nitong Agosto 31, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maliwanag ang konteksto, dahilan at pag-usad ng kasalukuyang kalagayan ng Taiwan Strait. Ang Amerika aniya ang unang nagsagawa ng probokasyon, pagkatapos ay napilitan ang Tsina na gawin ang ganting-hakbang.
Makatuwiran, lehitimo, kinakailangan at angkop ang hakbangin na isinagawa ng Tsina, saad ni Zhao.
Sinabi pa ni Zhao na dapat itigil ng Amerika ang panglilito, pagwawalangsaysay at pagbabaluktot sa prinsipyong isang Tsina, dapat sundin ang pundamental na prinsipyong pandaigdig ng paggalang sa soberanya at kabuuaan ng teritoryo ng ibang bansa, at hindi pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa. Dapat sundin ng Amerika ang Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, at prinsipyong isang Tsina, sa halip ng paglikha ng mas grabeng krisis, dagdag niya.
Salin:Sarah
Pulido:Mac