Pangulong Tsino, bumati sa muling panunungkulan ni Tuimalealiifano bilang lider ng Samoa

2022-09-01 15:45:47  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Martes, Agosto 30, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Tuimalealiifano Vaaletoa Sualauvi II, bilang pagbati sa muling panunungkulan ng huli bilang lider ng Samoa.

 

Tinukoy ni Xi na bilang komprehensibo’t estratehikong partner na may paggagalangan at komong kaunlaran, may malaking progreso ang bilateral na relasyon ng Tsina at Samoa, sapul nang itatag ang ugnayang diplomatiko, at pinasulong ang komong kapakanan ng kapuwa panig.

 

Aniya, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at nakahandang magsikap, kasama ni Tuimalealiifano, para mapahigpit ang pagtitiwalaang pulitikal, mapalawak ang mapagkaibigang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t ibang larangan, mapayaman ang nilalaman ng kanilang bilateral na relasyon, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac