CMG Komentaryo: Demokrasyang istilong Amerikano, dala ang trahedya saan man magpunta

2022-09-02 15:47:27  CMG
Share with:

Noong Agosto 29, 2021, isang araw bago lubusang umurong mula sa Afghanistan, inilunsad ng tropa ng Amerika ang air raid sa Afghanistan, sa katuwiran ng pagbibigay-dagok sa ekstrimistikong organisasyon. Nasawi rito ang 10 sibilyan na kinabibilangan ng 7 bata.

 

Isang taon na ang nakaraan, naganap sa parehong araw sa Baghdad, Iraq ang malubhang sagupaan na ikinamatay ng di-kukulangin sa 30 katao, at ikinasugat ng daan-daang iba pa.

 


Bilang dalawang “democracy model” na itinayo ng Amerika sa pamamagitan ng baril at kanyon, ang mga totoong nangyari sa Afghanistan at Iraq ay nagpapatunay na ang demokrasyang istilong Amerikano ay nauuwi lamang sa kaguluhan, sagupaan at trahedya saan man magpunta.

 

Ang Amerika ay siyang pinaugatan ng kasalukuyang kaligaligan sa Iraq. Noong 2003, inilunsad ng Amerika ang digmaan sa Iraq, at sapilitang pinalaganap doon ang sariling tatak ng demokrasya pagkatapos ng digmaan.

 

Pagkaraan ng 20 taong pagpapatupad, ang umano’y “demokratikong renobasyon” ay nagbunga ng pagwatak-watak ng pulitika, di-matatayang kapinsalaan sa kabuhayan, mabilis na pag-usbong at pagkalat ng terorismo at iba pa.

 

Ganap na nabigo ang pagpapalaganap ng Amerika ng “demokrasyang istilong Amerikano” sa Iraq.

 

20 taon na ang nakararaan, halos isang milyong inosenteng buhay sa Gitnang Silangan ang nabiktima sa “demokrasyang istilong Amerikano.” Dapat parusahan ng komunidad ng daigdig ang ginawang krimen ng Amerika sa Gitnang Silangan, at bigyang-katarungan ang mga inosenteng biktima.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac