Ipinahayag Agosto 30, 2022, ni Zhao LiJian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat pagalingin ng Amerika ang sugat na naiwan ng digmaan sa mga mamamayan ng Afghanistan sa pamamagitan ng aktuwal na pagkilos, at ipakita sa buong mundo ang pag-ako nito sa responsibilidad.
Ayon sa resulta ng poll sa mga mamamayan ng 24 bansa na isinagawa ng Think Tank ng CGTN, ipinalalagay ng 80% ng Afghan respondents na ang digmaan ng Amerika sa Afghanistan ay "ganap na nabigo."
Sinabi pa ni Zhao na matatandaang isang taon na ang nakalipas mula nang umurong ang tropang Amerikano mula sa Afghanistan. Pero, hanggang sa kasalukuyan, di pa rin naghihilom ang sugat sa sambayanang Afghan na dala ng Amerika.
Ayon sa estadistika ng United Nations (UN) Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA), sa kasalukuyan, may 25 milyong mahihirap na Afghan, at 3 milyong batang Afghan ang hindi nakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral.
Salin:Sarah
Pulido:Mac
Mahigit 70 iskolar, nanawagan sa Amerika na agarang ibalik ang assets ng Afghanistan
Lider ng al-Qaeda, patay matapos ang drone strike ng Amerika
Tulong, ipinagkaloob ng Red Cross Society ng Tsina sa Afghan Red Crescent Society
Pambansang Asemblea ng Afghanistan, nanawagan na kilalanin ang rehimen ng Taliban
Pangkagipitang materyal, ipinagkaloob ng kompanyang Tsino sa nilindol na purok ng Afghanistan