Tsina, itinataguyod ang kapayapaan sa karagatan

2022-09-03 17:34:10  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng isang pandaigdigang symposium na idinaos nitong Setyembre 1, 2022, bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng paglalagda sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na itinataguyod ng Tsina ang kalayaan sa paglalayag, sa halip na kalayaang maglayag sa kagustuhan.

 

Hinimok din ni Wang ang komunidad ng daigdig, na lutasin ang mga alitan sa karagatan sa pamamagitan ng mapayapang paraan, panatilihin ang kapayapaan sa karagatan, at palakasin ang kooperasyon sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal sa karagatan.

 

Dagdag ni Wang, iginigiit ng Tsina ang pagtataguyod sa sustenableng pag-unlad ng karagatan, at paggamit ng karagatan bilang lakas na tagapagpasulong sa sustenableng pag-unlad ng lahat ng mga bansa.

 

Palagia n din aniyang sinusunod ng Tsina ang diwa ng UNCLOS, tinutupad ang mga obligasyon nito, pinangangalagaan ang integridad at awtoridad ng Convention, at tinututulan ang pang-aabuso sa paggamit ng mga dispute settlement procedure sa ilalim ng Convention.


Editor: Liu Kai