Wang Yi, nagbigay ng mataas na pagtasa sa ambag ng aalis na embahador ng Rusya sa Tsina

2022-09-03 17:35:50  CMG
Share with:

 

Nakipagtagpo kahapon, Setyembre 2, 2022, sa Beijing, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Andrey Denisov, aalis na Embahador ng Rusya sa Tsina.

 

Sinabi ni Wang, na sa kanyang halos isang dekadang termino sa Tsina, nagbigay si Denisov ng malaking ambag para sa pagpapalakas ng pagkakaibigan ng Tsina at Rusya, pagpapasulong sa kooperasyon ng dalawang bansa, at pagtatanggol sa pandaigdigang katarungan.

 

Sinabi naman ni Denisov, na sinaksihan niya ang maraming malaking tagumpay ng Tsina, at nananalig siyang matatamo ng Tsina ang mas maraming tagumpay.

 

Dagdag niya, sa pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, pumasok sa bagong panahon ang relasyong Ruso-Sino, at ipagpapatuloy ng dalawang bansa ang buong lakas na pagsuporta sa isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa kani-kanilang mga nukleong kapakanan.


Editor: Liu Kai