Ginanap Linggo, Setyembre 4, 2022 sa Shougang Park, Beijing ang Global Digital Sport Summit para sa Post-Winter Olympics Era.
Bilang isa sa tatlong porum sa 2022 China International Fair for Trade In Services (CIFTIS), na nagtatampok sa tema ng palakasan, tinalakay sa nasabing summit ang mga praktika, karanasan at bunga ng inobasyon sa Beijing 2022 Olympic Winter Games.
Pinag-usapan din dito ang hinggil sa pagbuo ng bagong tunguhin tungo sa pagtatayo ng isang bansang may maunlad na palakasan, at pagtatatag ng malusog na Tsina, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng digital sport.
Pormal ding pinasinayaan sa summit ang isang bagong inobatibong laboratoryo kung saan gagawing batayan ang reporma sa digitalization ng palakasan ng Tsina, upang ilatag ang plataporma ng big data ng palakasan at kultura ng mga kabataan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio