Amerika isinagawa ang cyberattack sa unibersidad ng Tsina; Tsina mahigipit na kinondena ito

2022-09-06 17:17:43  CMG
Share with:

Kaugnay ng cyberattack ng National Security Agency (NSA) ng Amerika sa Northwestern Polytechnical University ng Tsina, ipinahayag nitong Setyembre 5, 2022, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang aksyong ito ng Amerika ay malubhang nakasira sa seguridad ng Tsina at seguridad ng impormasyon ng mga mamamayan ng Tsina.

 


Sinabi pa ni Mao na mahigipit na kinondena ng Tsina ang Amerika, at hiniling ng Tsina sa Amerika na ipaliwanag ang isyung ito, at agarang itigil ang ilegal na aksyong ito.

 

Ipinahayag din ni Mao na ayon sa ulat ng imbestigasyon ng National Computer Virus Emergency Response Center (CVERC) ng Tsina at 360, kompanya ng cybersecurity ng Tsina, hinggil sa cyberattack ng NSA sa Northwestern Polytechnical University ng Tsina, ginamit ng Amerika ang 41 sandata sa internet at isinagawa ang mahigit 1 libong pag-atake sa naturang pamantasan, at ninakaw ang mga mahalagang teknikal na datos.

 

Bukod dito, isinasagawa ng Amerika ang walang habas na audio surveillance sa mga cellphone users ng Tsina, at ilegal na ninakaw ang mga nilalamang text messages nila.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac