Pagmamahal ni Xi Jinping sa bayan at pamilya

2022-09-09 16:20:38  CMG
Share with:

Ang Mid Autumn Festival, o tinatawag din bilang Kapistahan ng Buwan, ay isa sa mga pinakamahalagang tradisyonal na kapistahan ng mga mamamayang Tsino.

 

Ang pinagmulan ng kapistahang ito ay tradisyon ng mga ninunong Tsino sa pagdambana, pagtanaw, at pagbasbas sa bilog na buwan.

 

Mga bata kasama ng kanilang guro habang gumawa ng larawang sumisimbolo sa muling pagtitipon ng buong pamilya.


Ang bilog na buwan ay simbolo ng muling pagkikita-kita ng pamilya.

 

Ang Mid Autumn Day ay hindi lamang sumisimbolo sa magandang pananabik ng mga Tsino sa pagtitipon ng buong pamilya at maligayang pamumuhay, kundi nagsasabalikat din ng malalimang pagmamahal nila sa pamilya at lupang tinubuan.

 

Sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nagbabago ang kasalukuyang lipunan, at abalang-abala ang mga tao sa kani-kanilang trabaho at pamumuhay.

 

Si Pangulong Xi Jinping kasama ang kanyang ina habang naglakad


Ipinaalala niyang huwag kalimutan ang malalim at tunay na ugnayan at damdamin sa pagitan ng iba’t ibang mga tao, huwag putulin ang ganitong ugnayan at damdamin dahil sa distansiya, at huwag pabayaan ang tunay na pagmamahal dahil sa napaka-abalang pamumuhay.

 

Pananaw ni Xi na ang kapalaran ng mga pamilya ay may mahigpit na kaugnayan sa kapalaran ng bansa at nasyon. Ang kaligayahan ng milyun-milyong pamilya ay pagpapamalas ng pag-ahon ng nasyon at kabiyayaan ng mga mamamayan.

 

Si Pangulong Xi, kasama ng kanyang ama at kapamilya


Aniya, ang dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino ay nababatay sa kasaganaan at kaligayaan ng milyun-milyong pamilya.

 

Sa bisperas ng Mid Autumn Festival ng Tsina, sana’y muling magkita-kita at maging malusog, mapayapa at ma-harmonya ang bawat pamilya.


Salin: Vera


Pulido: Mac