Xi Jinping, bumati sa muling naihalal na pangulo ng Angola

2022-09-10 16:58:10  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Setyembre 8, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati kay Joao Lourenco, sa kanyang muling pagkahalal bilang pangulo ng Angola.

 

Sa kanyang mensaheng pambati kay Lourenco, sinabi ni Xi, na maganda ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Angola nitong ilang taong nakalipas, tuluy-tuloy na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, at matatag na sumusulong ang kanilang pragmatikong kooperasyon. Ang mga ito aniya ay nagdudulot ng benepisyo sa kapwa bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

 

Ipinahayag din ni Xi ang pagpapahalaga sa pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Angola. Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Pangulong Lourenco, para pataasin sa bagong lebel ang estratehikong partnership ng dalawang bansa.


Editor: Liu Kai