Tsina, nagharap ng representasyon sa Amerika kaugnay ng mga cyberattack sa pamantasang Tsino

2022-09-12 16:09:01  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kahapon, Setyembre 11, 2022, ng Ministring Panlabas ng Tsina, iniharap ng ministring ito ang solemnang representasyon sa Embahada ng Amerika sa Tsina, kaugnay ng pagsasagawa ng Office of Tailored Access Operations ng National Security Agency ng Amerika, ng mga cyberattack sa Northwestern Polytechnical University, pamantasan ng Tsina na nangunguna sa abiyasyon.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Yang Tao, Direktor Heneral ng Departamento sa mga Suliranin ng Hilagang Amerika at Oceania ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang pangyayari ay hindi unang beses na pagsasagawa ng pamahalaang Amerikano ng mga cyberattack sa mga institusyong Tsino at pananakaw ng mga mahalagang impormasyon.

 

Malubha itong lumapastangan sa mga teknikal na lihim ng mga kinauukulang institusyong Tsino at seryosong nakasira sa seguridad sa impormasyon ng mga mahalagang imprastraktura, institusyon at personahe ng Tsina, dagdag ni Yang.


Editor: Liu Kai