Xi Jinping, dadalo sa SCO Summit at dadalaw sa Kazakhstan at Uzbekistan

2022-09-12 15:37:04  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Setyembre 12, 2022, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula ika-14 hanggang ika-16 ng buwang ito, dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ika-22 pulong ng Konseho ng mga Puno ng mga Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na idaraos sa Samarkand, Uzbekistan.

 

Magsasagawa rin ang pangulong Tsino ng state visit sa Kazakhstan at Uzbekistan, sa magkahiwalay na paanyaya ng mga pangulo ng dalawang bansa, dagdag ng nabanggit na tagapagsalita.


Editor: Liu Kai