Xi Jinping, bumati kay King Charles III sa pag-akyat sa trono

2022-09-12 15:39:30  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Setyembre 10, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensahe kay King Charles III, bilang pagbati sa kanyang pag-akyat sa trono ng Britanya.

 

Ipinahayag ni Xi ang kahandaang magsikap, kasama ni King Charles III, para palalimin ang pag-uunawaan at pagkakibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Britanya, palawakin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa, at palakasin ang pag-uugnayan sa mga isyung pandaigdig.

 

Layon ng mga ito aniyang lumikha ng benepisyo sa kapwa Tsina at Britanya at mga mamamayan dalawang bansa, at magbigay ng ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.


Editor: Liu Kai