Ayon sa pagsiwalat ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, may pag-asang bibigyan ng Tsina sa loob ng taong ito ng pahintulot ang pag-aangkat ng mga sariwang durian mula sa Pilipinas.
Sinabi ni Huang, na sa pag-oorganisa ng embahada, pumunta kamakailan sa Davao ang mga dalubhasang Tsino, at nagsagawa ng market access investigation para sa pag-aangkat ng mga sariwang durian mula sa rehiyong ito. Positibo aniya ang resulta ng imbestigasyon.
Dagdag ng embahador Tsino, nag-aangkat ang Tsina ng pinakamalaking bolyum ng mga durian sa buong daigdig. Aniya, noong 2021, inangkat ng Tsina ang 822,000 toneladang durian na nagkakahalaga ng $4.21 billion.
Ang pagpasok ng mga sariwang durian ng Pilipinas sa Tsina na may napakalaking pamilihang binubuo ng mahigit sa 1.4 na bilyong populasyon ay magdudulot ng benepisyo sa libu-libong magsasaka ng prutas sa Pilipinas, diin ni Huang.
Editor: Liu Kai