Mga kinatawan ng mga pangunahing mediang Pilipino, kinatagpo ni Liu Jianchao

2022-08-29 10:49:30  CRI
Share with:

Maynila — Nakipagtagpo nitong Agosto 28, 2022 si Liu Jianchao, Ministro ng Departamentong Pandaigdig ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa 21 namamahalang tauhan at mamamahayag ng mga pangunahing mediang Pilipino na kinabibilangan ng Philippine News Agency (PNA), Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, Manila Times, Manila Bulletin, SMNI, ABS-CBN, GMA at iba pa.

Inilahad ni Liu ang prinsipyo at paninindigan ng panig Tsino sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pilipino. Umaasa aniya siyang mapapalakas ang pagpapalitan at kooperasyon ng partido, pamahalaan, media at iba’t-ibang sektor ng lipunan ng dalawang bansa, magkasamang mabuting maisasakatuparan ang mahalagang napagkasunduan nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapasulong at mapalalim ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan, maayos na hawakan ang kaukulang alitan, magkasamang makalikha ng “ginintuang panahon” ng relasyong Sino-Pilipino, makapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, at makapagbigay ng positibong ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaang panrehiyon.

Ipinaliwanag pa ni Liu ang posisyon ng panig Tsino tungkol sa mapayapang pag-unlad ng Tsina, usapin ng Taiwan, isyu ng South China Sea, situwasyong panrehiyon, pandaigdigang pakikipagpalitan ng CPC, at kooperasyong Sino-Pilipino sa agrikultura, enerhiya, konstruksyon ng imprastruktura, at iba pang larangan.


Matatandaang nagsilbi si Liu bilang Chinese Ambassador sa Pilipinas at Indonesia.


Salin: Lito

Pulido: Mac

Photo Courtesy: Embahadang Tsino sa Pilipinas