Sa kanyang video speech sa seremonya ng pagbubukas ng simposyum bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Hapon nitong Lunes, Setyembre 12, 2022, tinukoy ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang mapagkaibigang pakikipamuhayan ng mga kapitbansa, at pagpapasigla ng Asya ay komong responsibilidad ng Tsina at Hapon.
Kaugnay ng pagtatatag ng relasyong Sino-Hapones na angkop sa kahilingan ng bagong panahon, iminungkahi niyang dapat pangalagaan ang batayang pulitikal ng bilateral na relasyon, at igiit ang tumpak na direksyon ng pag-unlad.
Dapat palalimin ang kooperasyon, upang isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win results sa mas mataas na antas; dapat bigyan ng patnubay ang pagbuo ng positibo’t mapagkaibigang pag-uunawaan; at dapat sundin ang agos ng panahon at ipatupad ang tunay na multilateralismo, dagdag niya.
Sa kanya namang talumpati, inihayag ni Ministrong Panlabas Yoshimasa Hayashi ng Hapon na dapat bigyang-diin ng kapuwa panig ang darating na 5 dekada, at magkasamang magpunyagi, upang buuin ang konstruktibo’t matatag na relasyong Hapones-Sino.
Salin: Vera
Pulido: Mac