“Bukas, maaaring siyasatin, propesyonal at karapat-dapat ang serye ng ensayo at pagsasanay na militar ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina sa karatig na islang Taiwan ng bansa. Ito'y pagganti sa mga elementong nagsagawa ng probokasyon at nanggugulo sa kalagayan. ”
Ito ang inilahad ni Senior Colonel Tan Kefei, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Agosto 25, 2022.
Ang iilang opisyal na Amerikano, na siyang nagsimula ng krisis na ito ay dapat umako sa lahat ng mga responsibilidad hinggil dito, diin ni Tan. Muling hinimok din ni Tan ang panig Amerikano na buong tatag na sundin ang prinsipyong isang Tsina at iwasto ang kamalian nito.
Saad pa ng tagapagsalitang Tsino, iresponsable rin ang pag-likha ng ingay kamakailan ng iilang pulitikong Hapones sa pamamagitan ng mga negatibong pananalita at kilos kaugnay ng Taiwan.
Aniya, ang walang humpay na pagtaas ng panig Hapones ng budget na pandepensa at pagpapalakas ng pagdedeploy na militar ay nakatawag ng masusing pagbabantay ng mga bansa sa rehiyon at komunidad ng daigdig. Hiniling niya sa Hapon na seryosong pagsisihan ang kasaysayan ng pananalakay nito, itigil ang paninira sa Tsina at isagawa ang mas maraming ikabubuti sa pagpapasulong ng mutuwal na pagtitiwalaan sa mga kapitbansa at kapayapaan ng rehiyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac