Xi Jinping at Kassym-Jomart Tokayev, nag-usap

2022-09-14 21:13:06  CMG
Share with:

Nag-usap nitong Miyerkules, Setyembre 14, 2022 sa Nur Sultan, kabisera ng Kazakhstan, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Kassym-Jomart Tokayev ng bansang ito.


Sinabi ni Xi na sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang Kazakhstan ay unang bansang pinuntahan niya. Ito aniya ay nagpapakita ng de-kalidad na relasyon ng dalawang bansa.


Inulit ni Xi ang pagpapahalaga ng pamahalaang Tsino sa relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag din niyang patuloy at matatag na kakatigan ng Tsina ang mga gawain ng Kazakhstan sa pangangalaga sa pagsasarili, kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa at mga hakbangin at reporma ni Pangulong Tokayev sa pangangalaga sa katatagan at kaunlaran ng bansa.


Sinabi pa ni Xi na matatag na tinututulan ng Tsina ang pakikialam ng anumang bansa sa mga suliraning panloob ng Kazakhstan.


Salin: Ernest

Pulido:Mac