Pangulong Tsino, ginawaran ng medalya ng pagkakaibigan ng kanyang Uzbek counterpart

2022-09-16 14:25:11  CMG
Share with:


Ginawaran nitong Huwebes, Setyembre 15, 2022 ni Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan ng pinakamataas na medalya ng pagkakaibgan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Ayon kay Mirziyoyev, malaki’t mahalagang ambag ang ginawa ni Pangulong Xi para sa pagpapahigpit ng pagkakaibigan ng dalawang bansa, pagpapatibay ng pagtitiwalaan at pagpapalalim ng kooperasyon.

 

Ang naturang medalya ay pinakamataas na parangal para sa mga banyagang personahe na gumawa ng bukod-tanging ambag sa pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan sa Uzbekistan, pagresolba sa mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig, at pag-unlad ng Uzbekistan.

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagbibigay ng medalya, sapul nang itatag ang ganitong parangal.

 

Salin: Vera

 

Pulidop: Mac