Bilateral na ugnayan ng Tsina at Turkmenistan, pasusulungin

2022-09-15 16:03:52  CMG
Share with:

Sa bisperas ng Ika-22 pulong ng Konseho ng mga Puno ng mga Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), nagtagpo ngayong Huwebes, Setyembre 15, 2022 sa Samarkand sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Serdar Berdimuhamedov ng Turkmenistan.

 

Saad ni Xi, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Turkmen, na patuloy at buong tatag na katigan ang isa’t isa, pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng bilateral na relasyon, at ihatid ang benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Inihayag din niya ang kahandaang palakasin ang kooperasyon sa Turkmenistan sa loob ng mekanismo ng pagtatagpo ng Tsina at limang bansa ng Gitnang Asya, ipatupad ang Global Development Initiative at Global Security Initiative, pangalagaan ang komong interes ng mga umuunlad na bansa, at gawin ang ambag para sa pagpapasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac