Tsina, mananatiling mapagkakatiwalaang kaibigan at partner ng Kyrgyzstan - Xi Jinping

2022-09-15 15:58:52  CMG
Share with:

Sa pakikipagtagpo sa kanyang Kyrgyz counterpart na si Sadyr Zhaparov sa Samarkand ngayong araw, Setyembre 15, 2022, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang Tsina ay mapagkakatiwalaang kaibigan at partner ng Kyrgyzstan noon, ngayon at sa hinaharap.

 

Diin niya, sa ilalim ng bagong kalagayan, dapat pag-ibayuhin ng kapuwa panig ang pagsuporta sa isa’t isa, at komprehensibong palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

 

Inihayag naman ng pangulong Kyrgyz ang kahandaang pahigpitin ang pakikipagtulungan at pakikipagkoordina sa panig Tsino, at magkasamang ipagtanggol ang seguridad at katatagan ng rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac