Tsina at Belarus, itinaas ang bilateral na relasyon sa “all-weather comprehensive strategic partnership”

2022-09-16 14:37:43  CMG
Share with:

Samarkand, Uzbekistan—Nagtagpo nitong Huwebes, Setyembre 15, 2022 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Alexander Lukashenko ng Belarus.

 

Sumang-ayon ang dalawang lider na itaas ang antas ng bilateral na relasyon sa “all-weather comprehensive strategic partnership.”

 


Pagkatapos nito, inilabas ng kapuwa panig ang magkasanib na pahayag hinggil sa pagtatatag ng naturang partnership, at nilagdaan ang mga dokumentong pangkooperasyon sa siyensiya’t teknolohiya, hudikatura, agrikultura, e-commerce at iba pang larangan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac