Kooperasyong ekonomiko sa BRI at Prairie Road strategy, palalakasin ng Tsina at Mongolia

2022-09-16 14:31:16  CMG
Share with:

Sa kanilang pagtatagpo sa Samarkand, Uzbekistan kahapon, Setyembre 15, 2022, nangako ang mga Pangulo na sina Xi Jinping ng Tsina at Ukhnaa Khurelsukh ng Mongolia na isagawa ang kooperasyong ekonomiko sa Belt and Road Initiative (BRI) at Prairie Road development strategy.

 

Saad ni Xi, nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang pakikipagpalitan sa panig Mongolian ng mga karanasan ng pangangasiwa sa bansa, pahigpitin ang sinerhiya ng BRI at Prairie Road development strategy, pasulungin ang konstruksyon ng China-Mongolia-Russia economic corridor, ipatupad ang Global Development Initiative at Global Security Initiative, at suportahan ang Mongolia sa pagsasakatuparan ng mas mabilis at magandang pag-unlad.

 


Inihayag naman ng Pangulong Mongolian ang kahandaan sa pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon sa Tsina sa iba’t ibang larangang gaya ng kabuhaya’t kalakalan, daambakal, at kapaligran.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac