Xi Jinping: Tsina at Rusya, magbibigay ng mga elementong magpapatatag sa mundong maligalig

2022-09-16 07:17:26  CMG
Share with:

 

Nagtagpo kahapon ng hapon, Setyembre 15, 2022, local time, sa Samarkand, Uzbekistan, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

 

Tinukoy ni Xi, na sa taong ito, pinanatili ng Tsina at Rusya ang mabisang estratehikong pag-uugnayan, at pinapasulong ang matatag na kooperasyon sa iba't ibang aspekto.

 

Kailangan aniyang isabalikat ng dalawang bansa ang mga tungkulin ng malalaking bansa, para magbigay ng mga elementong magpapatatag sa mundong maligalig.

 

Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Rusya, na suportahan ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa mga nukleong kapakanan ng dalawang bansa, palalimin ang kooperasyon sa kalakalan, agrikultura, at interkonektibidad, palakasin ang koordinasyon sa loob ng mga multilateral na balangkas, at pangalagaan ang kapakanan sa seguridad sa rehiyong ito at komong kapakanan ng mga umuunlad at may bagong sibol na pamilihan na bansa.

 

Ipinahayag naman ni Putin ang pag-asang matagumpay na idaraos ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina. Nananalig aniya siyang, sa pamumuno ni Pangulong Xi, matatamo ng Tsina ang mga bagong bunga sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Sinabi niyang, walang pagbabago ang pagkakaibigan at pagtitiwalaan ng Rusya at Tsina, at matibay ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag ni Putin ang pagtalima ng Rusya sa prinsipyong Isang Tsina, at kinondena niya ang pagsasagawa ng iilang bansa ng mga probokatibong aksyon sa mga isyung may kinalaman sa nukleong kapakanan ng Tsina.

 

Nakahanda rin aniya ang Rusya, kasama ng Tsina, na palakasin ang kooperasyon sa kalakalan at enerhiya, at pasulungin ang kooperasyon ng Shanghai Cooperation Organization, para ito ay maging mahalagang plataporma ng pangangalaga sa rehiyonal na katiwasayan at katatagan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos