Tsina, Rusya at Mongolia, patuloy na pasusulungin ang kooperasyon sa kabuhayan

2022-09-16 14:41:52  CMG
Share with:

Sa ika-6 na pulong ng mga pangulo ng Tsina, Rusya at Mongolia na idinaos kahapon ng hapon, Setyembre 15, 2022 sa lunsod ng Samarkand ng Uzbekistan, kinumpirma ng Tsina, Rusya at Mongolia ang 5 taong palugit ng Outline of the Development Plan on Establishing the China-Mongolia-Russia Economic Corridor.


Bukod dito, pormal na sinimulan ng tatlong bansa ang feasibility study sa pag-upgrade at pag-unlad ng daambakal sa central-route ng China-Mongolia-Russia Economic Corridor.


Nagpasya rin ng tatlong bansang pasulungin ang proyekto ng pagtatayo ng natural gas pipeline sa pagitan ng Tsina at Rusya na dumaraan sa Mongolia.


Sa pulong na ito, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na malaki ang nakatagong lakas ng kooperasyon sa pagitan ng tatlong bansa at ang kanilang kooperasyon ay hindi naapektuhan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Salin:Ernest

Pulido: Mac