Mga bata mula sa Asya at Aprika, lumahok sa mga aktibidad ng CMG tungkol sa kalawakan

2022-09-16 07:10:50  CMG
Share with:

Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at China Science and Technology Museum (CSTM), idinaos gabi ng Setyembre 15, 2022, sa Beijing, ang seremonya ng pagpipinid ng paligsahan ng larawang-guhit na pinamagatang “Ating mga Pangarap sa Kalawakan” at interaktibong aktibidad na may pamagat na “Mga Tanong sa mga Taikonaut” na nilahukan ng mga bata mula sa mahigit 20 bansang Asyano at Aprikano.



Nagpadala ng video message mula sa kalawakan ang tatlong taikonauts na kasalukuyang nasa space station ng Tsina na sina Chen Dong, Liu Yang, at Cai Xuzhe, bilang pagbati sa mga aktibidad at pangungumusta sa mga kalahok na bata.

 

Sinabi nilang, napakamalikhain at kawili-wili ang mga larawang-guhit, at ipinakikita naman ng mga tanong ang lubos na pagka-mausisa ng mga bata tungkol sa kalawakan.

 

Anila, ang kalawakan ay para sa buong sangkatauhan, at tiyak na matutupad ang pangarap ng mga tao na mamuhay sa kalawakan.

 

Ipinahayag din nila ang paanyaya sa mga bata ng buong daigdig na bumisita sa space station ng Tsina.


Mula noong simulan noong Hunyo ng taong ito, tinanggap ng nabanggit na paligsahan ng larawang-guhit at interaktibong aktibidad ang mahigit sa 600 paintings at libu-libong tanong tungkol sa kalawakan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos