Sa magkasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at Pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, idinaos ngayong araw sa Nanning, punong-lunsod ng Guangxi ang 2022 ASEAN Media Partners Forum.
Lumahok dito ang mahigit 180 panauhing Tsino’t dayuhan mula mahigit 70 media organizations, think tanks, pamantasan at mga grupo na galing sa 17 bansa na kinabibilangan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng online at onsite na paraan.
Sa ilalim ng temang“Katalinuhan, Kolaborasyon, at Pagkakaisa,” nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok, para mapalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media ng Tsina’t mga bansa mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at mapasulong ang pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng Tsina’t ASEAN na may pinagbabahaginang kinabukasan.
Sa kanyang talumpati, sinariwa ni Yan Xiaoming, Pangalawang Presidente ng China Media Group, na noong Nobyembre 2021, sa Espesyal na Summit bilang Paggunita sa Ika-30 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Pandiyalogo ng Tsina’t ASEAN, nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at masasabing naglatag ito ng direksyon para itatag ang mas mahigpit na komunidad ng Tsina’t ASEAN na may pinagbabahaginang kinabukasan. Aniya pa, nitong ilang taong nakalipas, naging mabunga at mas mahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng CMG at mga media partners mula sa ASEAN. Ang ASEAN Media Partners Forum ay bagong plataporma na inilunsad ng CMG para mapasulong ang pakikipalitan at pakikipagtulungan sa mga media counterparts ng ASEAN, dagdag pa ni Yan.
Yan Xiaoming, Pangalawang Presidente ng China Media Group
Nakahanda aniya ang CMG na patingkarin ang papel at bentahe, kasama ang mga media partners sa Timogsilangang Asya, para matupad ang tungkulin at misyon na pasulungin ang pagkakaibigan at pag-uunawan ng mga mamamayan ng Tsina’t ASEAN.
Ipinahayag din ni Yan na hangarin ng CMG na samantalahin ang bentahe sa inobasyong panteknolohiya gamit ang "5G+4K/8K+AI" para magbigay ng bagong sigla, kasama ang mga partners, sa inobatibong kaunlaran ng pandaigdig na industriya ng media at kultura.
Sa kanya namang talumpati, ibinahagi ni An Xiaoyu, Director of CMG Asian and African Languages Programming Center ang mga kooperatibong proyekto sa pagitan ng sentro at ng mga media counterparts mula sa ASEAN. Sa porum, inilunsad din ang Generation Z Influencer Training Center, proyektong nakatuon sa mga kabataang ASEAN. Ipinahayag ni An ang pag-asang sa pamamagitan ng katulad na mga proyekto ibayo pang mapapahigpit ang pagtutulungan ng CMG at partner sa ASEAN para hubugin ang mas maraming kabataan na makapagbigay ng ambag sa relasyong Sino-ASEAN.
Sa ngalan ng Pilipinas, bumigkas ng talumpati si G. Herman Tiu Laurel, Presidente ng Philippine-BRICS Strategic Studies.
Herman Tiu Laurel, Presidente ng Philippine-BRICS Strategic Studies (gitna)
Palagay ni Laurel, gumaganap ang media ng napakahalagang papel para maisakatuapran ang pangmatagalang kapayapan ng sangkatauhan. Salamat sa 2022 ASEAN Media Partners Forum, nagtitipun-tipon ang kinatawan mula sa Tsina’t ASEAN para magkasamang matupad ang mga kasunduang pangkooperasyon at mapasulong ang pagtutulungan. Layon nitong mapaginhawa ang pagtatatag ng mapayapa’t masaganang daigdig.
Sa porum, inilunsad ang Bagong Round ng Kooperasyon ng CMG at ASEAN Media.
Pinasinayaan din ang Overseas Communication and Online Promotion Action“Splendid and Beautiful Guangxi.”
Bukod dito, pinasinayaan din an China-ASEAN Media Complex at CMG Guangxi Bureau.
Salin/Patnugot: Jade
Pulido: Mac
Larawan: Yan Shen/He Danning