Xi Jinping: Tsina at Pakistan, kailangang patatagin ang suporta sa isa’t isa at palalimin ang sinerhiya ng mga estratehiya

2022-09-16 16:27:16  CMG
Share with:

Samarkand, Uzbekistan—Nang makipagtagpo ngayong Biyernes, Setyembre 16, 2022 kay Punong Ministro Shahbaz Sharif ng Pakistan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang patuloy at buong tatag na suportahan ng Tsina at Pakistan ang isa’t isa, at ilatag ang mas malakas na sinerhiya sa pagitan ng mga estratehiyang pangkaunlaran nila.

 

Dapat lubos na patingkarin ng kapuwa panig ang papel ng Magkasanib na Komite ng Kooperasyon sa China-Pakistan Economic Corridor, at igarantiya ang maayos na konstruksyon at operasyon ng malalaking mga proyekto, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac