Mga pangulo ng Tsina at Iran, nagtagpo

2022-09-16 16:24:43  CMG
Share with:

Nagtagpo kaninang umaga, Setyembre 16, 2022 sa Samarkand, Uzbekistan sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Ebrahim Raisi ng Iran.

 

Ipinaabot ni Xi ang pagbati sa panig Iranyo kaugnay ng nalalapit na pormal na pagsapi nito sa Shanghai Cooperation Organization (SCO).

 

Nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa Iran sa loob ng balangkas ng SCO.

 

Saad naman ni Raisi, sinusuportahan ng panig Iranyo ang Belt and Road Initiative, Global Development Initiative (GDI), at Global Security Initiative (GSI), at nakahandang palalimin ang kooperasyon sa Tsina, at igiit ang tunay na multilateralismo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac