Karaniwang paglaki ng GDP ng Tsina mula 2013 hanggang 2021, 6.6%

2022-09-19 15:45:49  CMG
Share with:

 

Ayon sa datos na inilabas Setyembre 18, 2022 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika (NBS) ng Tsina, 6.6% ang karaniwang bahagdan ng paglaki ng halaga ng produksyong panloob (GDP) ng bansa mula noong 2013 hanggang taong 2021.

 

Ito ay mas mataas kaysa sa karaniwang antas ng paglaki ng kabuhayan sa buong daigdig, anang kawanihan.

 

Idinagdag pa nitong ang karaniwang contribution rate ng kabuhayang Tsino sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig bawat taon ay lampas sa 30%, na siyang nasa unang puwesto sa buong daigdig.

 

Ayon pa sa kawanihan, ang proporsyon ng kabuhayang Tsino sa kabuhayang pandaigdig noong 2021 ay umabot sa 18.5% na nasa ikalawang puwesto sa buong daigdig.

 

Noong 2012, ang proposyong ito ay 11.3% lamang.

 

Samantala, ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina sa paninda at serbisyo noong 2020 at 2021 ay magkahiwlay na umabot sa US$5.3 trilyon at US$6.9 trilyon dolyar.

 

Ang Tsina ay siyang pinakamalaking bansa ng kalakalan sa buong daigdig sa mga nabanggit na taon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio