Kooperasyong Sino-ASEAN, mabungang mabunga

2022-09-19 16:08:15  CMG
Share with:

Binuksan kamakailan sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina ang Ika-19 na China-ASEAN Expo (CAExpo).

 

Kaugnay nito, ang 2022 ay unang taon ng pagkakabisa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

 

Sa kasalukuyang CAExpo, umabot sa 102,000 metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng eksibisyon.

 

Samantala, mahigit 1,600 kompanya ang kasali sa offline exhibition, at halos 2,000 kompanya naman ang sumali sa “cloud” exhibition.

 

Dagdag pa riyan ang bilang ng mga proyektong pangkooperasyon na nilagdaan ng iba’t ibang panig ay mas malaki kaysa noong isang taon.

 

Sapul nang magkabisa ang RCEP, tuluy-tuloy na sumusulong ang konektibidad, at walang humpay ring sumisigla ang benepisyo mula sa kalakalan.

 

Ayon sa datos ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, lumago ng 14% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa ASEAN noong unang 8 buwan ng 2022.

 

Bukod pa riyan, lumaki rin ng 7.5% ang pag-aangkat at pagluluwas sa pagitan ng Tsina at 14 na kasaping bansa ng RCEP.

 

Ayon sa mga tagapag-analisa, sa unang taon ng pagkakabisa ng RCEP, sinasalubong ng kooperasyong Sino-ASEAN sa kalakalan at pamumuhunan ang bagong pagkakataon, at umuusbong din ang bagong lakas-panulak tungo sa integrasyon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio