Sa kanyang eksklusibong panayam ng China Media Group (CMG) sa panahon ng Ika-77 Sesyon ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN), inihayag Lunes, Setyembre 19, 2022 ni Amina Mohammed, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN, na napakahalaga ng kontribusyon ng Tsina sa usapin ng pagbabawas ng karalitaan, ayon sa target ng Millennium Development Goals.
Karapat-dapat aniyang tularan ng maraming bansa ang karanasan ng Tsina.
Ang edukasyon at pagkaing may nutrisyon ay mga masusing elementong nakakatulong sa paghulagpos ng mga mamamayan sa kahirapan, at ito rin ang susi ng tagumpay ng Tsina sa pagpawi sa karalitaan, dagdag niya.
Aniya pa, ang pinakamahalaga’y matutunan kung paano isinakatuparan ng Tsina ang paghulagpos ng napakalaking populasyon sa kahirapan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio