Pagpapalakas ng armadong puwersa sa pamamagitan ng reporma, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2022-09-22 15:33:28  CMG
Share with:

Sa seminar hinggil sa reporma ng tanggulang bansa at armadong puwersa na ginanap Miyerkules, Setyembre 21, 2022 sa Beijing, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mas mainam na paggamit ng matagumpay na karanasan sa reporma sa tanggulang bansa at armadong puwersa, at paglikha ng bagong kayarian sa pagpapalakas ng armadong puwersa sa pamamagitan ng reporma.

 

Hiniling niyang mataimtim na lagumin at tularan ang matagumpay na karanasan sa mga dating reporma, alamin ang bagong situwasyon at misyon, at pag-ukulan ng pansin ang paghahanda para sa labanan.

 

Ipinanawagan din niya ang inobatibong sigasig upang ipatupad ang mga tungkulin ng reporma, palakasin ang pagpaplano ng mga reporma sa hinaharap, at ipagkaloob ang lakas-panulak para sa pagsasakatuparan ng sentenarayong target ng People's Liberation Army.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio