Hapon, dapat tumpak na pakitunguhan ang mithiin ng mga mamamayan, at itigil ang plano sa pagtapon ng “lason” sa dagat

2022-09-19 17:56:27  CMG
Share with:

Isang liham na may lakip na lagda ng halos 42,000 mamamayan ang ipinadala nitong Miyerkules, Setyembre 21, 2022 ng ilang grupong di-pampamahalaan ng Hapon sa Tokyo Electric Power Company (TEPCO) at Ministri ng Kabuhayan, Kalakalan at Industriya ng Hapon, bilang pagtutol sa plano ng pagtapon ng nuclear contaminated water ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa dagat.

 

Humiling sila sa pamahalaang Hapones na isagawa ang ibang paraan ng paghawak sa kontaminadong sewage.

 

Ayon sa ulat ng Kyodo News Agency ng Hapon, sapul noong Hunyo ng nagdaang taon, kinolekta sa buong bansa ang mga pirma ng halos 221,000 mamamayan.

 

Napakalakas ng kamalayan sa krisis ng Hapon sa mga aspektong gaya ng mga hakbangin ng pagpigil sa mga kapahamakan. Pero sa isyu ng paghawak sa nuclear contaminated water, ipinamalas ang magkaibang imahe ng Hapon na pawang iresponsable at paggamit sa karagatan bilang basurahan.

 

Sa harap ng iba’t ibang pagdududa ng komunidad ng daigdig, hinanap ng pamahalaang Hapones ang iba’t ibang katuwiran, at paulit-ulit na binago ng TEPCO ang mga datos para ilihim ang katotohanan.

 

Ang paghawak sa nuclear sewage ng Fukushima ay hindi suliraning panloob ng Hapon, sa halip, ito ay may ugnayan sa seguridad ng kapaligirang ekolohikal ng dagat ng buong mundo at kalusugan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

 

Dapat tumpak na pakitunguhan ng pamahalaang Hapones ang mithiin ng mga mamamayan ng Hapon at mga kapitbansa, at agarang itigil ang mapanganib na plano sa pagtatapon ng nuclear sewage sa dagat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac