Xi Jinping, bumati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng China News Service

2022-09-23 16:34:14  CMG
Share with:

Isang liham ang ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bilang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng China News Service, na matataon sa darating na Oktubre 1, 2022.

 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 7 dekada, malaki ang ginampanang papel ng China News Service sa paglalahad ng mga kuwentong may kinalaman sa Tsina, at pagpapalaganap ng tinig ng Tsina.

 

Ipinagdiinan din niya ang kahalagahan ng inobasyon ng sistema ng diskurso at pagpapataas ng kakayahan sa komunikasyong pandaigdig.

 

Umaasa rin siyang palalakasin ang paggiging mabisa ng mga ulat at mabuting pagtanggap ng publiko nito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac