Sa kanyang talumpati sa pamamagitan ng video link sa Pulong Ministeryal ng Group of 20 (G20) sa Kalakalan, Pamumuhunan, at Industriya, na idinaos Setyembre 22 at 23, 2022 sa Indonesya, sinabi ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng ibang mga kasapi ng G20, na isulong ang reporma sa World Trade Organization (WTO).
Sinabi rin ni Wang, na batay sa bagong pilosopya sa pag-unlad, itinataguyod ng Tsina ang berdeng pag-unlad, pinapasulong ang pandaigdigang kooperasyon sa pamumuhunan, at pinapalakas ang kooperasyon sa digital economy.
Bukod dito, nanawagan si Wang sa iba’t ibang panig, na tutulan ang unilateralismo at proteksyonismo, at huwag isagawa ang mga may pagtatanging patakaran at hakbangin na maaaring makapinsala sa pandaigdigang pamumuhunan, industrial chains, at supply chains.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan