Tsina, patuloy at buong tatag na susuportahan ang Group of 77

2022-09-25 15:41:30  CMG
Share with:

Setyembre 23, 2022, New York, Amerika - sa Ika-46 na Pulong Ministeryal ng G77 at Tsina, sinabi ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na patuloy at buong tatag na susuportahan ng kanyang bansa ang Group of 77 (G77), para ipatupad ang UN 2030 Agenda for Sustainable Development at isakatuparan ang mutuwal na kaunlaran at kasaganaan.

 

Sinabi rin niyang, bilang isa sa mga umuunlad na bansa, pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagtulungan at pakiki-isa nito sa G77, organisasyong binubuo ng mga umuunlad na bansa.

 

Dagdag ni Zhang, umaasa ang Tsina, kasama ng mga kasapi ng G77, na isasagawa ang mga kooperasyon sa loob ng Global Development Initiative (GDI).

 

Tinatanggap din aniya ng Tsina ang paglahok ng naturang mga bansa sa Grupo ng mga Kaibigan ng GDI.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan