Tsina, laging papanig sa mga umuunlad, katamtaman at maliliit na bansa—Wang Yi

2022-01-11 16:14:22  CMG
Share with:

Wuxi, Lalawigang Jiangsu ng Tsina—Sa pakikipag-usap sa kanyang Bahrain counterpart na si Abdullatif bin Rashid Al Zayani ngayong araw, Enero 11, 2021, inihayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa harap ng paurong na tunghin ng unilateralismo at proteksyonismo, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang pang-aapi ng malalaki at malalakas na bansa sa maliliit at mahihinang bansa at “law of the jungle.” Iminumungkahi at ipinapatupad ng Tsina ang ideya ng multilateralismo, at ipinagtatanggol ang mga simulain ng Karta ng United Nations (UN).
 

Aniya, sa mula’t mula pa’y papanig ang panig Tsino sa mga umuunlad, katamtaman at maliliit na bansa, para magkasamang pangalagaan ang katarungan ng daigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method