Tsina, nanawagan para sa kapayapaan, kaunlaran, pagbubukas, pagtutulungan, pagkakaisa, at pagkakapantay-pantay

2022-09-25 15:37:21  CMG
Share with:

 

Sa kanyang talumpati kahapon, Setyembre 24, 2022, sa Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN), nanawagan si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, para sa kapayapaan, kaunlaran, pagbubukas, pagtutulungan, pagkakaisa, at pagkakapantay-pantay.

 

Aniya, sa kasalukuyang panahong puno ng kapuwa hamon at pag-asa, ang mga ito ay angkop sa tunguhin ng kasaysayan, at katugon ng mga kahilingan ng panahon.

 

Binigyang-diin niyang, bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council (UNSC) at pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, itinataguyod ng Tsina ang komong kapakanan ng higit na nakararaming mga bansa, pinasusulong ang pandaigdigang kapayapaan, nagbibigay-ambag sa pag-unlad ng buong mundo, pinangangalagaan ang pandaigdigang kaayusan, nagkakaloob ng mga produktong pampubliko, at nagbibigay-tulong sa paglutas ng mga isyung pandaigdig.

 

Sinabi rin ni Wang, na ang prinsipyong Isang Tsina ay binuo batay sa Resolusyon 2758 ng Pangkalahatang Asembleya ng UN.

 

Buong tatag aniyang pinangangalagaan ng Tsina ang prinsipyong ito, at pinasusulong ang mapayapang reunipikasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits sa pamamagitan ng pinakamalaking katapatan at pagsisikap.

 

Igigiit ng Tsina ang mapayapang pag-unlad, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan, para patuloy na magbigay ng talino at ambag sa paglutas sa mga kahirapan sa pag-unlad ng sangkatauhan at paglikha ng bagong kalagayan ng sibilisasyon, dagdag ni Wang.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan