Setyembre 23, 2022, New York, Amerika – Sa pagtatagpo nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sinabi ni Wang, na pabor ang Tsina sa panawagan ni Guterres, para palakasin ang pandaigdigang kooperasyon bilang tugon sa kasalukuyang mga pagbabago at kaligaligan sa daigdig.
Nanawagan din si Wang sa malalaking bansa, lalung-lalo na sa mga pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council (UNSC), na sundin ang mga pandaigdigang batas, pangalagaan ang awtoridad ng UN, isagawa ang tunay na multilateralismo, at tulungan ang mga umuunlad na bansa.
Hinangaan naman ni Guterres ang mga masusing papel ng Tsina sa pagtataguyod ng multilateralismo at pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon at sustenableng pag-unlad.
Sinabi niyang, ang partnership ng UN sa Tsina ay mahalaga para sa UN at multilateralismo, at isinasagawa ng dalawang panig ang mahigpit at mabisang mga kooperasyon.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan