Maraming lugar sa gitnang Luzon, sinalanta ni bagyong Karding; alerto sa pinakamataas na antas, inanunsyo sa maraming lugar

2022-09-26 16:02:25  CMG
Share with:

Dala ang malakas na bugso ng hangin at ulan, sinalanta Linggo ng gabi, Setyembre 25, 2022 ni bagyong Karding (international name: Noru) ang mga lugar sa gitnang Luzon na kinabibilangan ng Quezon, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, National Capital Region (NCR) at iba pa.

 

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si Karding ay klasipikado bilang isang super typhoon.

 

Kaugnay nito, maraming lalawigan ang naglabas ng alerto sa pinakamataas na antas.

 


Samantala, inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 at pansamantalang sinuspinde ng takbo ng mga departamento ng pamahalaan at pasok sa paaralan.

 

Bukod diyan, kinansela rin ang halos 50 domestiko at internasyonal na lipad ng mga pampasaherong eroplano.

 

Hinimok din ng PAGASA ang mga residente sa mababa at baybaying lokasyon ng Quezon at Aurora na lumikas sa lalong madaling panahon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio