Pagpapalitang pangkultura, pasisiglahin ng Tsina’t Argentina

2022-09-28 15:11:54  CMG
Share with:

 

Sa ilalim ng temang “Pagpapalalim ng Pagpapalitang Pang-media at Magkasamang Pagdudulot ng Kapakanan sa mga Mamamayan ng Tsina at Argentina,” binuksan ngayong araw, Setyembre 28, 2022 sa Beijing ang Mataas na Porum sa Pagpapalitang Pangkultura at Pagpapalitang Tao-sa-tao ng Tsina’t Argentina.

 

Ito ay inaasahang magpapasigla sa pagtutulungan at kultural na pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Ang porum ay magkasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG) at Tanggapan ng Kalihim ng Media at Pampublikong Komunikasyon ng Argentina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio