Kasunduang Pangkooperasyon, nilagdaan ng CMG at Kagawaran ng Media at Pampublikong Komunikasyon ng Argentina

2022-02-08 10:29:45  CMG
Share with:

Sa panahon ng pagdalo ni Pangulong Alberto Fernandez ng Argentina sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics at mga kaukulang aktibidad, magkasanib na lumagda sa kasunduang pangkooperasyon sina Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) at Valeria Zapesochny, Kalihim ng Media at Pampublikong Komunikasyon ng Argentina.

Ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Argentina, at ito rin’y Taon ng Pagkakaibigan at Pagtutulungan ng dalawang bansa.

Upang maisakatuparan ang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa at mapalalim ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura, alinsunod sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at win-win na resulta, at mapagkaibigang pagsasanggunian, isinusulong ng kapuwa panig ang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng mas pinalawak na pagpapalitan ng programa, teknolohiya ng media, pagpapalitan ng mga tauhan, at industriya ng komunikasyon.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method