Transposisyon ng Wentian lab module, natapos ng space station ng Tsina

2022-09-30 16:48:52  CMG
Share with:

Ayon sa China Manned Space Agency (CMS), natupad ngayong araw, Setyembre 30, 2022 ang transposisyon ng Wentian lab module ng Space Station ng Tsina, gamit ang malaking robotic arm.

 


Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagawa ng Tsina ang transposisyon ng isang malaking module sa orbita, gamit ang mekanismo ng transposisyon.

 


Sa proseso ng transposisyon, inilagay muna ang Wentian lab module sa takdang mode setting. Kasunod ng paghihiwalay nito mula sa Tianhe Core module, dumaong ito sa bahagi ng node cabin.

 


Nasa L-shaped combo ngayon ang space station ng Tsina, at patuloy na tatakbo ito sa orbita bago dumating ang Mengtian lab module, ika-2 space lab ng Tsina.

 

Pagkaraan nito, bubuuin ng space station ng bansa ang isang hugis T na estrukturang may tatlong module.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac