CMG, inilabas ang multilinggwal na mga bersyon ng feature film "Decoding the Past 10 Years"

2022-09-30 20:30:54  CMG
Share with:

 

Inilabas ngayong araw, Setyembre 30, 2022, ng China Media Group (CMG) ang mga bersyon ng feature film "Decoding the Past 10 Years" sa ilang diyalekto ng wikang Tsino at ilang wikang dayuhang gaya ng Ingles, Espanyo, Pranses, Arabe, Ruso, at iba pa.

 

Dumalo sa seremonya ng pagpapalabas sa Beijing sina Presidente Shen Haixiong ng CMG, Pangalawang Presidente Wang Xiaozhen ng CMG, Tagapagsalita Ma Xiaoguang ng Taiwan Affairs Office of State Council, Tagapagsalita Xu Luying ng Hong Kong and Macao Affairs Office of State Council, at mga iba pang personahe.

 


Sinabi ni Wang Xiaozhen, na ang "Decoding the Past 10 Years" ay tungkol sa pag-unlad ng Tsina sa iba’t ibang aspekto nitong sampung taong nakalipas, at kung paanong natamo ng Tsina ang mga pag-unlad na ito. Sa pamamagitan aniya ng pagpapalabas ng mga bersyon ng naturang feature film, mapapanood ito ng lalo pang maraming tao sa buong mundo.


Editor: Liu Kai