Ipinadala nitong Huwebes, Setyembre 28, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang liham na pambati sa Mataas na Porum sa Pagpapalitang Pangkultura at Pagpapalitang Tao-sa-tao ng Tsina at Argentina.
Umaasa aniya siyang makakatulong ang naturang porum sa paglikha ng bagong kabanata ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, at gagawa ng ambag para sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Latin-Amerika sa bagong panahon, at komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Sa kanya namang liham na pambati, inihayag ni Pangulong Alberto Fernández ng Argentina ang pag-asang mas lalalim ang kooperasyon ng kapwa panig, upang makapagbigay ng mas malaking ambag para sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at mapayapang pag-unlad ng daigdig.
Ang mga liham na pambati ng dalawang pangulo ay nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga nila sa kooperasyong Sino-Argentino sa bagong panahon, at nagbibigay-patnubay sa pagpapalalim ng komprehensibo’t estratehikong partnership at pagpapasulong sa pagpapalitan ng mga mamayan ng dalawang bansa.
Nitong nakalipas na 50 taon, ang mabilis na pag-unlad ng relasyong Sino-Argentino ay isang halimbawa ng masiglang relasyon ng Tsina at Latin Amerika.
Sa hinaharap, magiging mas matagal at mas matatag ang kooperasyon ng Tsina at Latin Amerika.
Salin: Vera
Pulido: Mac