CMG Komentaryo: Tunay na tabas ng Amerika bilang “imperyo ng kasinungalingan” muling ibinunyag

2022-09-29 15:03:50  CMG
Share with:

Ayon sa resulta ng imbestigasyon na ini-ulat ng Stanford University at mga organo ng pananaliksik ng Amerika noong Agosto, nitong nakalipas na halos 5 taon, ginawa ng Amerika ang mahigit 100 pekeng accounts sa maraming social media, para ikalat ang pekeng impormasyon, palaganapin ang pro-Western na pananalita, at dungisan ang mga bansang kinabibilangan ng Tsina, Rusya at Iran.

 

Ang paglikha ng pekeng impormasyon ay mahalagang paraan ng Amerika sa pagwasak ng rehimen ng ibang bansa.

 

Ang umano’y “Arab Spring” na sumiklab noong taong 2011 ay isang halimbawa. Sa pamamagitan ng sinasadyang pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon, binalak at inudyukan ng Amerika ang “color revolution.”

 


Kasabay ng pagluto at pagpapakalat ng pekeng impormasyon, nakinabang nang malaki dito ang Amerika.

 

Sa Gitnang Asya, walang humpay na pinukaw ng Amerika ang sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine, sa pamamagitan ng mga pekeng accounts. Samantala, pinaganda nito ang sariling imahe bilang umano’y tagapagligtas.

 

Bukod dito, isinisisi ng Amerika ang sariling kamalian at pananagutan sa ibang bansa, at binabahiran ang mga kaaway na kathang-isip, sa pamamagitan ng pekeng balita.

 

Ayon sa isang 27 pahinang ulat ng panig Australian, sa simula ng pagsiklab ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) noong 2020, kumalat sa ilanlibong social media accounts na may ugnayan sa Republican Party at right-wing ng Amerika ang mga pananalita ng pagbabaling ng sisi sa Tsina. Karamihan sa naturang mga accounts ay “bot accounts.”

 

Matagal nang pinagmumulan ng mga kasinungalingan ang Amerika at pekeng impormasyon, at sumadsad na ang kredibilidad nito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac