Tsina, nanawagan para sa pagtitimpi sa Korean Peninsula

2022-10-07 18:19:41  CMG
Share with:

Sa pulong na idinaos kamakalawa, Oktubre 5, 2022, ng United Nations Security Council para talakayin ang kasalukuyang kalagayan sa Korean Peninsula, sinabi ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na hinihimok ng Tsina ang lahat ng mga may kinalamang panig, na manatiling kalmado, magtimpi, at huwag gumawa ng anumang hakbang na maaaring magpalala ng tensyon sa naturang peninsula.

 

Sinabi rin ni Geng, na ang paglulunsad kamakailan ng Hilagang Korea ng mga missile ay hindi nakahiwalay na pangyayari, at mayroon itong kinalaman sa magkakasanib na pagsasanay militar ng Amerika at ilang iba pang bansa sa rehiyong ito.

 

Isinasagawa rin aniya ng Amerika at ilang iba pang bansa ang kooperasyon sa nuclear submarine, at binabalak nilang ideploy sa rehiyong ito ang mga kasanggapang estratehiko.

 

Ang mga ito ay nagpapatindi ng salungatan, lumilikha ng tensyon, at nagpapalaki ng panganib sa konprontasyon, saad ni Geng.

 

Dagdag niya, umaasa ang Tsina, na uunahin ng mga may kinalamang bansa ang katahimikan at katiwasayan sa rehiyong ito, at lilikhain ang paborableng kapaligiran para sa kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula.


Editor: Liu Kai