Babawasan ng Organization of the Petroleum Exporting Countries at mga kaalyado nito, grupong kilala rin bilang OPEC+ ang oil production sa 2 milyong barrels ng langis kada araw.
Kaugnay nito, tinukoy ng tagapaganalisa na dahil sa pagbaba ng pandaigdigang presyo ng langis, pinili ng OPEC+ ang estratehiya ng pagbabawas ng produksyon para patatagin ang presyo. Sa isang banda, dahil sa epekto ng geopolitics, lumaki ang ang kawalang-katiyakan ng ekonomiya ng buong mundo, at posibleng maging mas mababa ang kahilingan ng mundo sa langis,ito rin ang di umano'y dahilan ng kapasiyahang ito ng OPEC+.
Ang naturang kapasiyahan ng OPEC+ ay ikinaglit ng ilang politikong Amerikano at sinabing dapat isagawa ang countermeasures.
Samantala, ipinahayag ni Emmanuel Macron, Pangulo ng Pransya, na binibenta ng Amerika ang natural gas, sa mataas na presyo, sa mga kaalyado nito sa Europa,sa kabila ng kakulangan ng Europa sa enerhiya. Sinabi ni Macron na ang aksyong ito ng Amerika ay hindi “tunay na pagkakaibigan.”
Sa isang banda Binatikos ng Amerika ang pagtaas ng presyo ng langis na dulot ng pagbabawas ng produksyon ng OPEC+, sa kabilang banda naman, pinataas ng Amerika ang presyo ng binebenta nito sa Europa, ito ay lubos na nagpakita ng pagiging sakim ng Amerika.
Salin:Sarah
Pulido:Mac