Unang misyong medikal sa South China Sea, natapos ng PLA Navy hospital ship ng Tsina

2022-10-11 10:58:47  CMG
Share with:

Natapos kamakailan ng isang hospital ship ng hukbong pandagat ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina ang kauna-unahang misyong medikal, pagkaraang gamutin ng mga tauhang medikal ang ilang libong opisyal at sundalong nakatalaga sa Xisha at Nansha Islands at reefs sa South China Sea.

 

Bumalik na sa Zhanjiang Port, Lalawigang Guangdong ng Tsina ang naturang bapor na pinangalanang “Youhao,” na nangangahulugan ng “pagkakaibigan,” pagkatapos ng 18-araw na paglalayag na umabot sa 4,000 nautical miles.

 

Lulan ang grupong medikal na may 40 miyembro, ipinagkaloob ng naturang bapor ang serbisyong medikal sa mahigit 5,000 tao, at isinagawa ang mahigit 60 operasyon sa panahon ng misyong ito.

 

Patuloy na isasagawa ng naturang bapor ang karaniwang konsultasyong medikal para sa mga residente, personaheng militar, mangingisda at bapor pangkalakal sa South China Sea.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac